Friday, November 8, 2013

Pilak Na Bughaw

Ang Salvacion at Awitan ay dalawang barangay na magkatabi pero magkaiba. Barangay ng mayayaman ang Salvacion, barangay naman ng mahihirap ang Awitan. Ang barangay captain ng Salvacion ay ang miyembro ng The Zodiac Club na si Francis, ang barangay captain naman ng Awitan ay ang mahirap pero maganda at matalinong si Nevada. Maliliit pa sila noon ay magkaaway na, at napatunayan pa nila na mahirap palang kalimutan ang marka ng nakaraan lalo na kung ang puso mismo ang nasugatan. Ang historical background ng mga Barangay Salvacion at Awitan ay magkaibigan at nagtutulungan, pero ngayon na sina Francis at Nevada na ang mga barangay captains, parang nagkakaroon ng matinding labanan!


TAON 1983. Ang okasyon ay Barangayan.
Dalawang magkatabing barangay, ang Awitan at Salvacion, ang may sharing activities. Nakasanayan na ito ng dalawang barangay na magkaroon ng social activities na pinangalanan ngang Barangayan mula pa noong mid-seventies. Ipinagpapatuloy ito hanggang ngayon dahil nakikita naman na masaya at may positibong resulta. Nawala kahit pansamantala lamang ang gap ng dalawang barangay. Dapat lang naman kastng magkaroon ng gap dahil magkaiba ng economic make-up ang dalawang barangay na ito. Sa Barangay Awitan, ang karamihang nakatira rito ay mahirap ang antas ng kabuhayan, ang tinatawag na masa. Ang Barangay Salvacion naman ay kabaligtaran. Ito ang barangay ng mayayaman, malalaki ang bahay, nasa bakuran ang mula dalawa hanggang apat na kotse, karamihan sa mga padre de familia ay malalaking negosyante at industrialist pa nga ang iba.

Ang Barangay Salvacion, sa pangungulo ng kanilang mga barangay elected officers, ay nag-extend ng kamay para makipag-ugnayan sa Barangay Awitan. Noon pa ngang mid-seventies.
Natural, kung sino ang mayaman, ito ang dapat lamang na maging humble enough na mag-abot ng friendly gesture sa kanyang counterpart na mahirap.
Nagustuhan naman ng mga taga-Awitan ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng mga taga-Salvacion. Kaya naging tradisyon na taun-taon ang Barangayan na ito.
Sa panahon naman ng krisis, halimbawa’y kung binabaha ang mga taga-Awitan, ang unang-unang tumutulong sa kanila ay ang mga tao sa Barangay Salvacion.
Sa gabing ito ng Barangayan ay mahaba ang programa. May speech ang mga opisyal ng dalawang barangay. Kumbidado ang alkalde na si Mayor Eusebio at nag-speech din ito. May sense of humor ang alkalde at hindi ito nagsalita nang mahaba kaya umani ito ng masigabong palakpak mula sa mga tao. May song numbers. May comedy skits. May sayawan.
At dito sa sayawan nakasali ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki.
Si Nevada ang babae, si Francis naman ang lalaki. Magkaedad sila. Maganda at lista si Nevada, guwapo at alisto naman si Francis. Silang dalawa ang magkapareha sa modern dance na ito. Sinadya na sa dance number na ito ay halo ang mga participants. Ang mga babae ay nagmula sa Barangay Awitan, ang mga lalaki naman ay nagmula sa Barangay Salvacion.

KAUGALIAN na rin na sa alliance ng Awitan at Salvacion, ay mauunang mag-extend ng imbitasyon ang barangay officers ng Salvacion sa mga barangay officers naman ng Awitan.
Ang imbitasyon tungkol sa unang formal and social meeting ng dalawang set of officers ay naipadala na sa barangay hall ng Awitan.
At ito ay napasakamay ni Nevada isang Biyernes ng umaga.
Ang nakapirma sa imbitasyon, siyempre, ay si Francis Legaspi.

Nakataas ang isang kilay ni Nevada habang pinakatititigan ang pangalan ni Francis. Ang pirma ni Francis doon ay original. Ang maliit na detalye ay hindi pinalampas ni Nevada. Halatang ang texture ng pen na ipinampirma ay pino, na ang ibig sabihin ay mula sa pen na mamahalin.


Napaismid siya. Hindi niya maikaila na dahil kay Francis ay nabibigyan niya ng focus ang kaibahan ng set of officers sa Salvacion sa set of officers ng Awitan. Sa Salvacion, pipirma lamang sa imbitasyon ang barangay captain, maaamoy mo na ang pinanggalingan nitong yaman. Sa barangay hall naman ng Awitan, may ballpen din naman, pero kung minsan nga ay ayaw pang sumulat kahit bagong bili, dahil sa tabi-tabing tindahan lamang nanggaling.
Pero kinontrol niya ang sarili. Pinaalalahanan.
Nevada, ano ba ang sabi ng tatay mo? Huwag mong pairalin ang personal mong panghuhusga kay Francis Legaspi. Maging propesyonal ka sa iyong trabaho at tungkulin. Kalimutan mo muna na may kinikimkim kang galit.
Okey. Susundin ko ang tatay ko. Tama siya, e, sabi niya sa sarin.
Pero teka, iba naman ako kaysa tatay ko at sa mga sumunod pa niyang barangay captain.
Katulad na lamang ng imbitasyong ito. Bakit naman may petsa at oras kaagad kung kailan ang social and formal meeting ng dalawang set of officers?
Alam ko, ito ang nakagawian noon pa.

click the link below to continue reading

bagyo takot sa kidlat (+playlist)

http://www.youtube.com/v/iRuTv_gDvts?list=PLCJPbJmZwognFebtIlwzT09cm_bWyTgtB&version=3&attribution_tag=lAQ1CaY3gM0QiW-E9PeJIQ&showinfo=1&autoplay=1&autohide=1&feature=share

Loved By The Rules

Loved By The Rules 

“Y-yes, Sir!” halos sabay-sabay na tugon ng mga ito, halatang nasisilong sa mabalasik niyang tinig dahil halatang mainit ang kanyang ulo.
Nang isa-isa nang maglabasan ng conference room ang mga ito at tuluyan nang napag-isa ang binata, hinarap naman niya ang mga pipiraman papeles bago lumabas.
Eksaktong alas-dose ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-lunch meeting niya sa araw na iyon.
Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan nila ng ka-meeting ngayon.
“Nice doing business with you, Mr. Hilario,” pormal ang mukhang wika ni Dominic nang tumayo at kinamayan na ang kausap.
“The pleasure is mine, Mr. El Greco,” nakangiti naman itong nakipagkamay sa kanya.
Alas-dos ng hapon kausap naman ni Dominic ang board of directors ng El Greco Empire. Nag-uulat siya sa kanilang presidente ng mga kaganapan sa hawak niyang advertising company sa nakaraang tatlong buwan.
“Well, all we can say is congratulations,” nasisiyahang wika ni Ariston matapos marinig ang quarterly report ng binata. “Talagang hindi kami nagkamali nang ilagay ka namin bilang OIC ng kumapanya.”
“Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Nai-briefing ko na si Morris sa mga gagawin niya sa office habang wala ako. I think he can make it too. Kahit na bago pa lang siya sa pag-asiste sa akin sa kumpanya, maraming katangian ko ang taglay niya.”
“Well, that’s nice to hear. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag-train, he can do it with flying colors.”
“Thank you, Uncle.”
Pagkagaling sa opisina ng board of directors ay bumalik sa opisina niya si Dominic. Inalam sa kanyang may edad ng secretary ang mga susunod niyang meeting na kailangang matapos within three days bago siya magbakasyon.

“Ah, you have a lunch meeting tomorrow with Mr. Tan, three PM ay kay Mr. Zobel. The following day ay magpipirmahan na kayo ng kontrata ni Mr. Cruz para sa renewal nila, and at two o’clock ay si Mrs. Natividad naman ang ka-meeting ninyo. Anyway, on the third day ay hindi ko na kayo ginawan ng appointment. Maliban sa mga papeles na pipirmahan n’yo ay wala na kayong ibang gagawin. Darating si Sir Morris sa bandang hapon kaya magkakausap pa kayo.”
“That’s good! Maasahan talaga kita, Mrs. Jacob. Don’t worry, may pasalubong ako sa iyo pagbalik ko,” halatang nasisiyahan si Dominic sa napaka-efficient na trabaho ng kanyang kalihim pero kaydamot pa rin nang ngiti sa kanyang mga labi.
Iyon si Dominic El Greco, perfectionist, metikuloso, workaholic, seryoso, istrikto, suplado, bossy, at higit sa lahat, naka-set-up na ang kanyang utak na ang tao ay dapat na mabuhay ayon sa magagandang plano sa kanyang buhay.
He had set everything by the rules. Kailangang maraming patakarang susundin para umasenso, at gusto niya pati ang mga taong makakatrabaho niya ay may magagandang plano rin sa buhay nito, or else, they can’t get along with him.
“MOMAY, ang mga halaman ko, ha? Make sure na regular mong madidiligan at maii-spray-han ng insecticide, baka pagdating ko ay maraming tuyot na dahon iyan. Ang kuwarto ko, regular mong lilinisin. Kapag nanikit na ang alikabok, mas mahirap linisin.” At marami pang bilin si Dominic sa kanyang mabait na katulong na tanging kasama niya sa mala-mansiyong bahay na iyon na siya mismo ang nagpatayo at gumasta.
At ang perang ginamit ng binata para matupad ang kanyang pangarap na bahay ay galing mismo sa kanyang pinagpaguran.
Nang matanggap niya ang nakatalagang trust fund para sa kanya, he made his own millions nang magtayo ng sariling kumpanya ng computer. Maliban pa roon ay napapamahalaan niya ang advertising company ng El Greco Empire at napagsabay niya ang pagpapalago sa dalawang kumpanya.
At iyon ay dahil sa oraganisadong takbo ng kanyang utak. Wala siyang bisyo, walang kiyeme pagdating sa trabaho, at higit sa lahat, he won’t mixed business with pleasure.
Hindi siya kagaya ng ibang kabinataang El Greco na kabi-kabila ang girlfriend.
May steady date siya, si Mariane na kagaya niya ay workaholic din kaya nagkakasundo sila na magdi-date lang kung kailan may time para sa isa’t isa.
At kung hindi naman magtagpo ang free time nila, it’s okay pa rin dahil wala naman silang commitment sa isa’t isa.

Kagaya ngayon, mas type ni Dominic na magbakasyong mag-isa sa kanyang rest house sa La Union, hindi na niya iyon ipinaalam kay Mariane dahil wala naman siyang balak na isama ito.
“O, kumusta rito sa rest house?” agad na tanong ni Dominic sa katiwalang si Mang Rico.
“Okay naman ho, Sir. Napuno ko na nga pala ng pagkain ang freezer na kagaya nang bilin ninyo. Kung may gusto pa kayong ipabili, sabihin lang ninyo. Kung gusto naman ninyo ng fresh sea foods ay regular na dumadaan ang mangingisdang si Mang Joseph. Kung gusto ninyo ay sa kanya na lang kayo kumuha.”
“Sige, okay na. Ipapatawag na lang kita kapag may kailangan pa ako.”
“Sige ho.”
Nang umalis na ang katiwala para pumunta sa kubo nito ay agad na nagpahinga si Dominic.
Nakaplano na ang mga gagawin ni Dominic sa isang linggong bakasyon niya sa kanyang rest house.
Sa unang araw nang pagdating niya ay magpapahinga muna siya, matutulog, sa pangalawang araw ay mag-ii-scuba diving siya at papalaot sakay ng kanyang lantsa, sa ikatatlong araw ay mag-je-jetski siya… etc.
Sa ikapitong araw ay maghapon lang siyang magpapahangin sa teresa ng rest house, mag-e-enjoy sa pagtanaw sa malawak na karagatan at sa madaling-araw siya babalik sa lungsod.
Perfect! Tiyak na mag-e-enjoy siya kaya sa pagbabalik niya sa subsob-ulong trabaho sa dalawang kumpanya na pinamamahalaan ay magiging masigla na naman ang kanyang pakiramdam.

click here to continue reading

The Neighbors

“NAPAKASAKIT talaga, Kuya Mark…!”
Napasigok pa si Sammy matapos ang paghihinga ng sama ng loob sa nakatatandang kapatid. Magkakalahati na ang iniinom nilang isang boteng Chivas Regal nang gabing iyon, huling araw ng Linggo ng Abril.
Dumampot si Mark ng pulutang hipon sa plato. Isinawsaw nito iyon sa toyong nasa platito at isinubo, kasunod ang pagsimsim ng whiskey.
“Sam,” sabi nito, “you can’t win them all.”

“I don’t mind losing once in a while, Kuya. Kaya lang… para talaga akong ginago ng babaing yon!” Kasunod niyon, mabilis na pinahid niya ang luha sa mukha sa pamamagitan ng isang palad. “Tagay pa, Kuya?”
“Lasing ka na, tol,” natatawa at naiiling na sabi ni Mark bagaman ito’y halatang naawa sa kanya. “At huwag kang ngumalngal dyan na parang bata. You’re a 26-year-old civil engineer, ano ka ba?”
Suminghap ng hangin si Sammy at pinayapa ang sariii. Kinuha niya ang bote ng Chivas, sinalinan ang baso ng kanyang kuya at pagkuwa’y ang sariling baso naman ang tinagayan.
“Akalain mong masulot pa ako ng Rado Vargas na yon ke Divina!” aniya. “Sinamantala niya ang pagiging subordinate ni Divie. Office supervisor siya, section chief. Siyempre, madali na nga niyang mapapaibig ang isang tauhan niya sa opisina. On top of that, Kuya Mark… magkapitbahay pa sila sa Quezon City.”
“May kasabihan, Sammy,” ani Mark na tulad niyay isa ring civil engineer at nakatatanda sa kanya lang nang dalawang taon, “everything is fair in love and war.”
Napailing siya. Ginamit ang choptsticks sa pinupulutan nilang pritong hipong binalutan ng arina, isinawsaw sa toyong nasa isang platito at isinubo.
Habang ngumunguya, iginala niya ang tingin sa maliit na hardin ng kanilang parental house na iyon sa San Juan, Metro Manila.
Doon sila inabot ng dilim sa pag-iinuman, sa ilalim ng isang hugis payong na shed na ang rim ng bilog na bubong ay nalilinyahan ng maliliit na bombilyang de-kulay, nagsisilbing ilaw nila.
“Parang lumalabas din, Kuya, na kinatalo ng Radong iyon ang Kumpareng Dante mo,” aniya nang wala nang laman ang bibig. Kinuha niya ang kanyang baso. “Hindi ba’t magkabarkada sila?”

Parang inis na napatingin si Mark sa labas ng bakuran. “So what?” sabi nito. “Ano naman ang magagawa ni Pareng Dante kung patulan ng sister niya ang Rado Vargas na iyon? Binata naman pala iyon at hindi kasal sa dating ka-live-in!”
Napabuntunghinga si Sammy at tinungga ang laman ng kanyang baso. “Aahhh…!” aniya nang wari’y muling mapaso ng matapang na whiskey ang kanyang lalamunan. “Hanep talaga tong Chivas. Ang tapang. Whew!”
“Manligaw ka na lang sa iba, ‘tol,” ani Mark. “Kalimutan mo na si Divina.”
Tumango siya. “Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Pero na-love-at-first-sight talaga ako sa babaing ‘yon. Ang ganda kasi ng boobs. Lintik ang sex appeal.”
“Marami ka pang makikitang mas seksi at mas maganda sa kanya.” Tumawa si Mark. “Para ka namang hindi nagbibilang ng s’yota!”
“Oo nga. Kaso . . . kung sino pa ang gusto kong totohanin, doon naman ako nabasted. Ang pagkakamali ko pa e . . . naibigay ko sa kanya ‘yong engagement ring nina Daddy at Mommy.”
“Ano?” pandidilat sa kanya ni Mark. “Ang laki ng sentimental value ng singsing na ‘yon! H’wag nang sabihing ang bato niyon e worth a fortune na rin naman. Bakit naman ibinigay mo sa kanya ‘yon e hindi mo pa pala s’yota?”
“Buong akala ko nga, in the bag na siya, e.”
“Ay, tanga! Kapag nalaman ni Mommy ang tungkol do’n, ipababawi sa ‘yo ‘yon!”
“Naman!” Kahit lalaki’y napairap siya sa kapatid. “Sabihin nang worth more than a hundred thousand pesos iyon, mapapalitan ko naman siguro yon, Kuya Mark!”
“Hindi na nga ‘yong monetary value ang importante, e. Hindi mo ba alam na ang original na me-ari niyon e si Lola Remy? Engagement ring ‘yon ng lola’t lolo natin sa father side, ‘tol! Ipinamana ni Lola Remy ke Daddy, at naging engagement ring naman nila ni Mommy. Bakit nga ba sa yo napunta ‘yon?”
“Aba’y ewan ko,” aniya. “Ibinigay sa ‘kin ni Mommy, e. Siguro nga, mas paborito niya ako kesa sa ‘yo.”
Napatingin si Mark sa kanilang parental house. Mas malapit sila sa bakod ng lote kaysa kongkretong bahay. Pagkat pamilyado na ay hindi na nakatira roon si Mark. May sarili na itong bahay sa Roxas District, QC.
Dinalaw nito nang Linggong iyon ang kanilang mommy na kaaalis lang, makikipag- mahjong sa isang amiga sa Mandaluyong City. Naging dibersiyon na ng kanilang ina ang pagmamadyong mula nang mabiyuda.
I’ll tell you this, Sammy,” sabi nito. “A family legacy such as that should be regarded with respect. Bawiin mo yon kay Divina.”
“Kuya naman!”
“I’m not as superstitious as Mom, Samuel. Pero kapag ang ganoon daw mga gintong pamana ay napunta sa di kinauukulan, mamalasin ang buong angkan! I’m sorry, I think I’ll have to tell Mommy about this!”

click the link below to continue reading
http://www.tagalogpocketbooks.org/pananda/the-neighbors/

Akala ko di mo pansin

Unang tapak pa lang ni Jean sa buhanginan ng Isla Fuentebella, itinalaga na niya ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what.
Isla Fuentebella is her ultimate dream to live in.
Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat ng paroo’t parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing.

At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at malasutlang balat.
At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking mayaman na pakakasal sa kanya at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan. Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang magtu-tour around the world para siya malibang.
At siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya poproblemahin ang mga ito kapag out of the country sila ng kanyang husband.
Anyway, ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik siya sa isiping iyon.
Hay, ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa umaga, hindi ko kailangang —
“Jean!”
“H-ha?” Maang napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya. “O, Yvonne, ikaw pala.” Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni Amara.
“Anong ginagawa mo rito sa tabing-dagat?” Naupo sa tabi ni Jean ang dalagita habang hawak ang basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng kabibe.

Ano pa, de nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula mo sa darating na pasukan?”
“Oo.” Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Yvonne.
“O, eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course na kukunin mo.”
“Para kasing hindi ako interesadong umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan kapag nag-aaral na ako.”
“Ano? Aba, Yvonne, dapat ay —”
“Alam ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Daniel.”
“Susme! At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Yvonne, kung nawala ang kababata mo rito sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang girls sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla.”
“Kasi, mahal ko siya.”
“Mahal? Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka naman niya mahal.”
“Mahal niya ako.”
“Bilang kaibigan?”
“Oo.”
“Kaya mag-aral ka at maghanap ng magmamahal siya hindi bilang kaibigan lang, kundi bilang ka-ibigan. At puwede ba, ha? Iyong mayaman para naman makaahon ka na sa kagagawa ng mga kuwintas at bracelet na kabibe, okay?”
“Ikaw talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo.”
“Kasi naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyan ng mga sigay at kabibe ang dala mo, eh.”
“Dito kasi ako kumikita.”
“Sabagay. O, hayun, may foreigner, alukin mo ng necklace.”
“Sige.” Nagmamadaling tumayo si Yvonne upang habulin ang mag-asawang foreigner na patungo sa dagat.

para mabasa ang buong kwento click the link below

ONE LAST DATE

ONE LAST DATE



Teaser:
          Katelyn lives her life bitter. Loner at palaging masungit. Iyan ang pinagsisigawan ng kapatid niya at sinabing walang lalakeng magtatiyaga sa ugali niya. But the hell she care.
          Hanggang sa dumating ang kinakapatid niya na si Seoff galling New York at ginulo na nito ang buhay. Madalas siyang kinukulit nito at ginagalit sa maraming pagkakataon.
          Ngunit sa kabila ng lahat, hindi napigilan ni Katelyn ang puso na mahulog dito dahil lubos niyang nakilala ito. At sa unang pagkakataon ay natuto siyang magpahalaga. Hanggang malaman niya na isa lang pustahan ang lahat. Na hindi siya mahal nito at pinagbigyan lang nito ang nag-iisa niyang kapatid.

Caption:
“Wala akong pakialam kung anuman ang nakaraan mo. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang kinabukasan nating dalawa na magkasama.”

“Masaya ako kapag kasama kita. Kapag kausap ka. Wala na akong mahihiling ngayon kundi ang maging asawa kita. At mabuhay kasama mo. My life has just begun that I have you now with me.”

“Sabihin mo sa’kin kung paano pigilan ang nararamdaman ko sa’yo. Habang lalo mo akong inilalayo sa’yo, lalo lang nadaragdagan ang kagustuhan kong mapalapit sa’yo.  Kate, Just let me fall for you.”

“Mahal kita. Matagal ko nang nararamdaman ito. Hindi ko lang maamin dahil sa katangahan ko.”

CHAPTER 1
Tahimik na naupo si Katelyn sa kaliwa ng mommy niya habang ito ay nasa kabisera.  Nakatungo ito at seryosong nagbabasa ng broadsheet. Kasunod niya ay ang kapatid niya na si Anika na naupo katapat niya. In front of them was one heavy breakfast meal.
“Mom.” Narinig niyang tawag ni Anika. Kumilos ang mga mata niya upang tingnan ito at gumalaw muli iyon patungo sa ginang.
“Can I ask you something?” patuloy ni Anika sabay subo ng sandwich. Napailing siya habang sinasalinan ng fresh orange juice ang baso niya. Sigurado siyang may ikukulit na naman ang kapatid niya.
“Ano ‘yon?” maiksing tanong ng ginang.
“Ahm…may vacation house sa Bulacan ang parents ng classmate ko. He invited-”
“He.” Biglang umangat ang mga mata nito nang marinig ang huling sinabi nito.
“Yeah, He. Dahil lalake siya.” Anika said.
“At may kinalaman ba ang ‘He’ na ito sa itatanong mo?” tanong nito na muling ibinalik ang tingin sa babasahin. Inabot ng kanang kamay nito ang tasa ng kape at ininom iyon.
“Mom.” Napipikon nang sabi nito. Nakita nitong nakangisi siya kaya binigyan siya nito ng masamang tingin.
           “The answer is still no.” Hindi pa man nalilinaw ni Anika ang pakay ay sagot kaagad ang sinabi ng ginang. She grinned.
          “Naman! Mom-” hindi nito naituloy ang isasambit nang makita nitong pinadidilatan niya ito.
          Sa ganoon madalas nauuwi ang pag-uusap nilang mag-iina kapag magpapaalam si Anika na may nais makipag-date dito. Dahil hindi pa nangyayari na pumayag ang mommy nila na may manligaw kay Anika. Ang dahilan ay nag-aaral pa ito.
Anika is currently second year college and pursuing Bachelor of Science in Architecture and just turned eighteen. Samantalang siya ay freelance interior designer na. At kung gaano kabrusko ang kurso nito ay siya namang kabaligtaran ng ugali nito. Ito nga dapat ang kumuha ng kursong design at hindi siya.
          Her sister was a natural diva. Mahilig sa mga gimmick at mahilig makipagkaibigan. Kahit na gumuguhit ito ng mga plano ay pumipilantik naman ang mga daliri nito sa kaartehan. Mga katangiang hindi makikita sa kanya. She was the perfect opposite of her sister except on the gender. At dahil na rin sa taglay nitong kagandahan na nakuha nito sa kanilang ina ay hindi mapipigilan na may mga kalalakihan na manligaw dito. Na mahigpit namang tinututulan ng ginang.
          “Ikaw, Kate? Wala ka bang date?” tanong ng ginang at napanganga si Anika.
Sa tuwing hihirit ang kapatid niya ng pagpapaalam ay sa kanya nito ipinapasa ang pakikipag-date. Kung anong tigas ng patakaran nito na hindi pa maaaring magka-boyfriend ang kapatid niya ay siya namang pagtulak nito sa kanya na magkaroon. At her age of twenty-five and still single, dapat daw na magboyfriend na siya. The idea that she hated.
          Sandaling nahinto ang pag-abot niya sa tray ng loaf bread at pasimpleng umismid. Hindi man siya nagulat sa sinabi nito ay hindi pa rin niya naiwasang mainis.
          “Mukha ba akong desperadong magka-boyfriend kagaya ni Nikka?” may halong iritasyon niyang tanong.
Umangat ang ulo nito at tumingin sa kanya. Itinupi nito ang broadsheet nang nakatingin pa rin sa kanya at inilapag iyon sa gilid ng mesa. Muli itong uminon ng kape.
          “Bakit ba may pakiramdam ako palaging ayaw ko sa sagot mo? You are always taunting.” Kalmado ngunit seryoso nitong sabi.
          Umangat nang bahagya ang kilay niya. “I’m Sorry. Hindi lang kasi maganda ang tanong ninyo.”
          “At sino namang lalake ang mag-aaksayang makipagdate sa’yo, aber? Look at you sister. Daig mo pa ang witch sa hitsura mo.” Ganting pangbubuska ni Anika. She just smirked. Wala kasi siyang nakikitang mali sa kanyang histura. Para nga sa kanya ay mas mukhang disente pa siya kaysa dito na palaging na mini-dress at makapal ang make-up.
          “And look at you little sister-”
          “Hindi na ako bata, Manang.” Agap ni Nikka.
          “At ano ka naman? Paris Hilton wanna be.” She sneered.
          Umangat ang gilid ng labi ni Nikka tanda ng inis nito sa kanya. At akmang magsasalita ito nang sumabad ang ginang.
          “Girls! Walang sinabi sa inyo ang mga palengkera sa lakas ng boses ninyo.”
          Umikot ang mga mata niya saka sumandal at ganoon din ang ginawa ng kapatid niya. Hindi na bago na magtalo sila sa harap ng mommy nila dahil sa pagkakaiba ng ugali nila. Nasa pitong taon ng agwat ng edad nila at sadyang magkaiba ang mga nakahiligan nila kaya maraming bagay din ang hindi nila napagkakasunduan. Isa na nga doon ang konsepto ng pakikipagrelasyon.
          Not the she was a self confessed feminist. Ito lang bagay na sa tingin niya ay hindi gustong pagtuunan ng pansin. Isang pag-aaksaya ng oras at lakas ang ‘boys hunting’ na gustong-gustong ginagawa ni Anika. Bukod sa pagdi-design ay inuubos niya ang oras sa pagbabasa ng kung anung-anong libro tungkol sa general knowledge. Kaya nagmumukha siyang anti-social dahilan upang maging aloof ang ibang tao sa kanya. Even Anika called her unfriendly. Ngunit anuman ang sabihin, kahit salungatin man ni Anika ang pag-uugali niya, alam na alam ng mga ito kung bakit bigla siyang nagbago at naging sarado sa pagngiti.
          “Mom, please? Until what age you’ll let me date? Promise ko naman-”
          “At sasabihin mo sa’kin na buntis ka. Nagbabasa ka ba ng newspaper kagaya nito?” putol nito saka itinuro ang broadsheet sa tabi.
          Anika rolled her eyes in boredom. “Mom, pwede ba? Dudugo na ang tainga ko sa mga sinasabi mo. It is a common issue, I knew it now. At hindi ako stupid to ruin my life.”
          “And I am not stupid either to finance you if ever you get pregnant.” Mabilis na sagot ng ginang sa tonong tila hindi nagbibiro.
          Halos matapon mula sa bibig ni Kate ang iniinom nang hindi mapigilang tumawa. Mukhang marunong sumagot ang mommy niya para hindi lumusot ang kapatid. At natatawa siya sa nakikitang hitsura ni Anika.
          Malakas na napasinghap si Anika dahil sa narinig. Pikon na pikon na ito at mukhang nawalan na ito ng ganang kumain dahil tumayo na ito.
          “Well, siguro kailangan kong maging old maid kagaya ni Ate.” Said Anika mocking.
          “Ano? Ako, Old maid?” she reacted surprisingly.
          “Oo!”
          “Nikka, tama na.” Saway naman ng mommy nila at inis na umalis si Anika.
          “Nikka!  Saan ka pupunta?” Tawag ng ginang dito ngunit hindi pinansin ng dalaga ang ina.
          “Kailan ba niya maiintindihan ang sinasabi ko?” iiling-iling na tanong na mommy niya.
          “Kapag naging old maid siya?” nakaangat ang mga kilay niyang sagot.
          Nagbuntong-hininga ito. Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan saka nagsalita. “Let’s forget that old maid thing. Hindi naman ako naniniwalang hindi kayo mag-aasawa. Gusto ko lang na matapos muna ni Nikka ang pag-aaral kagaya mo.”
          “Yeah. Iparinig n’yo ‘yan sa kanya at greater than hysterical na naman ‘yon.” Patuya niyang tugon at ininom ang juice.
“I don’t intend on that aspect.” Hindi siya pinapatulan nitong tugon. “Anyway, tutal pinag-uusapan na rin natin ang tungkol sa date. Maybe-”
Kunwa’y may bigla siyang naalala at tumayo. Gusto niyang iwasan ito sa sasabihin nito dahil sigurado siyang may i-rereto na naman ito sa kanya. Hindi na yata ito mauubusan ng single guy na ipapareha sa kanya.
“I have to go na pala, Mom. Kailangan kong i-meet ‘yong kliyente ko.” Sinasabi niya iyon habang inuubos ang kanyang juice.
“At kailangan talagang umiwas ka?” pagpigil ng ginang.
“No.” kunot ang noo niya. “I just need to go.”
          “But I was supposed to tell about your ninang Sabrina’s son has just arrived last week from New York. At may inihandang party ang ninang mo dahil wedding anniversary din nila. We’re going.”
          Mabilis siyang umiling upang tumanggi. “I can’t. Si Nikka na lang isama nyo



clicked this link para mabasa nyo lahat . thanks
http://readmephr.blogspot.com/

Loved By The Rules – Kabanata 1


“THIS MEETING is adjourned!” maawtoridad na wika ni Dominic sa mga empleyadong dumalo sa monthly meeting ng El Greco Advertising. “And next month, just make sure na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?”
“Y-yes, Sir!” halos sabay-sabay na tugon ng mga ito, halatang nasisilong sa mabalasik niyang tinig dahil halatang mainit ang kanyang ulo.
Nang isa-isa nang maglabasan ng conference room ang mga ito at tuluyan nang napag-isa ang binata, hinarap naman niya ang mga pipiraman papeles bago lumabas.
Eksaktong alas-dose ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-lunch meeting niya sa araw na iyon.
Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan nila ng ka-meeting ngayon.
“Nice doing business with you, Mr. Hilario,” pormal ang mukhang wika ni Dominic nang tumayo at kinamayan na ang kausap.
“The pleasure is mine, Mr. El Greco,” nakangiti naman itong nakipagkamay sa kanya.
Alas-dos ng hapon kausap naman ni Dominic ang board of directors ng El Greco Empire. Nag-uulat siya sa kanilang presidente ng mga kaganapan sa hawak niyang advertising company sa nakaraang tatlong buwan.
“Well, all we can say is congratulations,” nasisiyahang wika ni Ariston matapos marinig ang quarterly report ng binata. “Talagang hindi kami nagkamali nang ilagay ka namin bilang OIC ng kumapanya.”
“Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Nai-briefing ko na si Morris sa mga gagawin niya sa office habang wala ako. I think he can make it too. Kahit na bago pa lang siya sa pag-asiste sa akin sa kumpanya, maraming katangian ko ang taglay niya.”
“Well, that’s nice to hear. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag-train, he can do it with flying colors.”
“Thank you, Uncle.”
Pagkagaling sa opisina ng board of directors ay bumalik sa opisina niya si Dominic. Inalam sa kanyang may edad ng secretary ang mga susunod niyang meeting na kailangang matapos within three days bago siya magbakasyon.

para mabasa lahat click this link below